BUMISITA si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Bacolod City at iba’t ibang parte ng Negros Occidental noong nakaraang linggo para magbigay ng iba’t ibang tulong mula sa Office of the Vice President at mga katuwang na mga ahensiya, ang Department of Social Work and Development at Department of Labor and Employment.
”Tayo ay nagturn-over ng Magnegosyo Ta ‘Day (MTD) sa iba’t ibang kwalipikadong organisayon at nakibahagi sa pay-out ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers (TUPAD), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), and Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ibat-ibang benepisyaryo.”
“Maraming salamat sa mga kawani ng Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development at sa ating Office of the Vice President Satellite Office ng Panay at Negros Islands na naging daan para naisakatuparan natin ang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang sa Bacolod City,” pahayag ni VP Sara Duterte.
Nagbigay naman ng mensahe si VP Sara sa kanila sa kahalagahan ng edukasyon at pagpaplano sa pamilya dahil ito ang susi para makapagbabago ng ating mga buhay.
Nagpaabot din ito ng maagang pagbati sa kanila ng Merry Christmas at Happy New Year.