DADALO si Vice President Sara Duterte sa hearing ng Kamara kaugnay sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) ngayong Nobyembre 29, 2024.
Ayon kay VP Sara, nagpahayag ang mga OVP personnel na magsisilbing mga resource person ng Kamara na nararamdaman nilang ligtas sila kung kasama ang pangalawang pangulo.
Nilinaw rin ng ikalawang pangulo na hindi totoong sasamahan niya ang OVP officials at staff sa hearing dahil maaaring may sasabihin silang hindi tama.
Sa katunayan ani VP Sara, wala naman siya sa hearing kung saan ang resource person ay si OVP Chief-of-Staff Atty. Zuleika Lopez.
Maging sa hearing kung saan resource person si OVP Special Disbursement Officer Gina Acosta, sinabi ni VP Sara na hindi niya tiningnan ang staff upang hindi maimpluwensiyahan ang mga isasagot nito.