HINDI dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Appropriations Panel ngayong araw para sa 2025 budget ng OVP.
Sa halip, ipinauubaya na niya sa Kamara ang pagtalakay ng budget ng kaniyang opisina.
Wala ring kinatawan mula sa OVP ang dumalo dahil, ayon sa kanila, naipasa na ang mga kinakailangang dokumento at detalyadong presentasyon ng budget sa Kamara.