VP Sara dumalo sa Art Exposition and Artbook Launching ni Nemesio Miranda

VP Sara dumalo sa Art Exposition and Artbook Launching ni Nemesio Miranda

NAKIISA si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng sining at kultura noong Buwan ng Sining sa Art Exposition and Artbook Launching ni Ginoong Nemesio Miranda sa Makati City.

Si Ginoong Nemesio Miranda na mas kilala sa palayaw na “Nemiranda” ay isang iskultor at pintor mula sa Angono, Rizal.

Siya ay nagtapos ng Fine Arts Major in Painting sa University of Sto. Tomas. Nakapagtanghal na rin siya sa mahigit limampung solo art exhibits sa buong mundo.

Tunay na kahanga-hanga ang kaniyang mga obra na sumasalamin sa galing at nakakamanghang talento nating mga Pilipino.

“Bilang Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, sinusuportahan natin ang mga talentong Pinoy na hinahangaan hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo,” pahayag ni VP Sara Duterte.

 

Follow SMNI News on Rumble