VP Sara Duterte at mga dating Pangulo, minamasama sa pagkakatanggal sa NSC ayon sa isang dating Press Secretary

VP Sara Duterte at mga dating Pangulo, minamasama sa pagkakatanggal sa NSC ayon sa isang dating Press Secretary

MAY masamang konotasyon ang pagtanggal kay Vice President Sara Duterte at mga dating Pangulo ng Pilipinas bilang miyembro ng National Security Council.

‘’Eh kasi nga ang dahilan na nilagay nila sa Executive Order No. 81 ay kailangan ang mga miyembro upholds to national security at saka sovereignty ng bansa. So ibig sabihin may parang indirect accusation na dito para sa mga tao na hindi nila isinama?’’ ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles Dating Press Secretary ng Marcos Jr. Administration.

Minamasama ng administrasyon ang kasalukuyan at dating mga matataas na lider sa bansa matapos magkaroon ng balasahan sa mga miyembro ng National Security Council (NSC).

Nitong huli, tinanggal sa NSC sina VP Sara Duterte at sina dating Presidente Rodrigo Duterte, Gloria Macapagal Arroyo at Joseph Estrada.

Ayon sa dating Press Secretary ng Marcos Jr. administration na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, may masamang konotasyon ang hakbang na ito ng gobyerno.

‘’So parang sinasabi nila itong mga to hindi nila i-uuphold ang security natin? Hindi nila i-uuphold ang soberanya natin? Tanggalin natin sa NSC?’’ saad nito.

Giit pa ni Cruz-Angeles – mistulang idinidiin ang mga tinanggal sa NSC na para bang may nagawa silang krimen.

‘’Pagka ganun ang akusasyon mo, pertains to national security, nilalagay mo na sila sa level of committing high crimes. Pero, wala silang sinasabi kung ano exactly ang ginawa ng mga ito to merit that kind of classification,?” ani Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Kinuwestyon din ng dating opisyal kung maituturong nabang high crime kung mas sikat ang bise kaysa sa presidente ng bansa—na sitwasyon ngayon ni Vice President Duterte.

Former Press Secretary: VP Sara, naisahan ang administrasyon kahit tinanggal sa National Security Council

Samantala, nakikita naman ni Cruz-Angeles na naisahan pa rin ni VP Sara ang administrasyon dahil nauna niyang kinuwestyon ang NSC.

Sa isang panayam sa Kamara nitong nakaraang taon, hinanapan ng minutes of meeting ng bise ang NSC.

‘’I do not recall receiving a single notice of meeting since 20 June 2022. Therefore I request the NSA to please send to me the notarized meetings conducted by the council from 30 June, 2022 if at all there is any. I want to review what the council has accomplished so far in terms of policies and recommendations for national security,’’ayon kay Vice President Sara Duterte.

‘Sa totoo lang, naunahan ang executive dito. If naglabas sila ng re-organization at nag-reklamo si VP Sara, sasabihin nila hmmm hindi ka lang nasali eh? But she actually brought it up. Naunahan niya silang lahat, she said why isn’t the national security council meeting? Or if they have been meeting, bakit wala ang Vice President? So ano na po ang ginagawa ninyo with regard to National Security?’ dagdag ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble