BINISITA ni Vice President Sara Duterte at inikot ang Banáan Provincial Museum sa Lingayen, Pangasinan noong nakaraang taon.
Ang Banáan ay salitang Pangasinan na ang ibig sabihin ay tagpuan. Ito ay tagpuan ng kasaysayan, ng kasalukuyan at ng hinaharap ng probinsiya.
Ito ay kolaborasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Pangasinan at iba’t ibang cultural institutions na may layuning ingatan at isulong ang kultura na pamana ng lalawigan ng Pangasinan.
Isinasalarawan ng museum ang mayabong na kasaysayan at kultura ng lalawigan at ang mayaman na karagatan nito.
Kaugnay nito, namili si VP Sara ng kanilang lokal na mga produkto upang suportahan ang kanilang lokal na ekonomiya.
Ayon sa bise presidente, ikinatutuwa nito na mayroong mga Lokal na Pamahalaan na isinusulong at iniingatan ang kanilang kasaysayan at kultura para sa mga hinaharap na henerasyon.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.