VP Sara Duterte, binisita ang Rizal Elementary School, Baguio City

VP Sara Duterte, binisita ang Rizal Elementary School, Baguio City

BINISITA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte noong Marso ang Rizal Elementary School sa Baguio City na isa ring MATATAG Curriculum Pilot School Implementer.

Binisita nito ang ilang mga silid-aralan at nakapagdiskusyon sa mga mag-aaral.

Ipinaliwanag ni VP Sara ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya.

Nakipag-usap din ito sa mga guro para maipaalam sa kanila ang mga ginagawa sa Kagawaran ng Edukasyon.

Muli namang nagpapasalamat ito sa kanilang serbisyo na ibinibigay para sa bayan.

Patuloy itong magtatrabaho at magpapatupad ng mga reporma para maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble