IPINAHAYAG ni Vice President Sara Duterte na bukas siya sa posibilidad ng impeachment complaint laban sa kanya.
Aniya, maaaring magsilbing daan ang ganitong proseso upang maipaliwanag niya nang maayos ang mga akusasyon na ipinupukol sa kanya.
“Kung mayroong impeachment complaint, that will be a way or an avenue na maayos kong masagot kung anuman ang mga accusation sa akin, dahil mayroon kasing rules ang impeachment.”
“It is an inconvenience. But otherwise, sa tingin ko naman ay okay ito,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.