VP Sara Duterte bumisita sa Banaue Rice Terraces sa unang pagkakataon

VP Sara Duterte bumisita sa Banaue Rice Terraces sa unang pagkakataon

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang kilalang tourist spot sa bansa na Banaue Rice Terraces sa lalawigan ng Ifugao.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta ang bise presidente sa naturang lugar.

Kahit na maulan at makulimlim ang panahon ay tanaw pa rin ang kagandahang taglay nito mula sa viewing deck.

“Namangha ako sa ganda ng lugar at lamig ng klima. Palagi kong sinasabi na tunay na maganda ang ating bansa na maipagmalaki natin sa buong mundo,” saad ni Vice President Sara Duterte.

 

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble