VP Sara Duterte bumisita sa Davao City Library and Information Center

VP Sara Duterte bumisita sa Davao City Library and Information Center

BUMISITA at ipinagmamalaki ni Vice President Sara Duterte ang pinakabago at modernong Davao City Library and Information Center.

Isa aniya ito sa mga mahalagang proyekto ng Davao City na sinimulan noong Alkalde ito ng lungsod at natapos noong Bise-Presidente siya. Aniya pa, mahalaga ito para sa mga mag-aaral at kabataan dahil ito ang pupuno sa literacy needs ng mga kabataan. Ang iba’t ibang karangalan na natanggap ng pampublikong aklatan ay patunay na nagampanan nito ang kanyang layunin bilang lugar ng paglikom ng impormasyon, pagbabasa, at pagtugon sa mga pangangailangan sa pananaliksik.

Naghandog din si VP Sara ng mga karagdagang libro at nagsagawa ng Book Reading Session kasama ang mga piling kabataan mula sa iba’t ibang child centers sa lungsod.

Ayon sa pangalawang pangulo, ang Davao City Library and Information Center ay naglalayon na gawin ang library services na akma sa makabagong panahon at nagbibigay ng makabago at mahusay na serbisyo para sa komunidad. Sa mismong gusali ay mayroong coffee shop, computer area, at komportableng pasilidad para makapag-aral at makapagbasa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble