VP Sara Duterte, bumisita sa Panay-Negros Satellite Office sa Bacolod City

VP Sara Duterte, bumisita sa Panay-Negros Satellite Office sa Bacolod City

MASAYA si Vice President Sara Duterte sa kaniyang muling pagbisita sa Panay-Negros Satellite Office ng Office of the Vice President (OVP) sa Bacolod City noong Nobyembre 11.

Sa kaniyang pagbisita, kinamusta ni VP Sara ang mga kasamahan sa opisina at tinalakay ang mga paghahanda para sa posibleng panganib dulot ng pagbuga ng abo mula sa Bulkang Kanlaon.

Kasama sa kaniyang mga ginawa sa Bacolod ay ang pag-suporta sa mga benepisyaryo ng MagNegosyo Ta ‘Day, isang programang layuning matulungan ang mga indibidwal at organisasyon na magsimula at magpalago ng kanilang mga negosyo.

Binisita rin ng bise presidente ang Bacolod City Mushroom Producers and Processors Association (BACIMPPA), na kabilang sa mga benepisyaryo ng programa.

Bilang bahagi ng kaniyang pagbisita, nagpaunlak si VP Sara ng ilang katanungan mula sa mga mamamahayag sa Bacolod City.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble