NAKIISA si Vice President Sara Duterte ngayong araw sa selebrasyon ng ika-441 anniversary ng pagkakatatag ng probinsya ng Batangas.
Sa naging talumpati ng pangalawang pangulo, ipinaabot nito ang paghanga sa mga napagtagumpayan ng probinsya sa nakalipas na 441 taon.
Makikita aniyang naging maayos ang ekonomiya, turismo, human resource, at mga pagbabago na nakatuon sa pagpapaunlad ng probinsya dahil sa mga magagaling na lider ng Batangas.
Naniniwala si VP Sara na magpapatuloy ang pag-unlad ng Batangas dahil sa pagtutulungan na rin ng bawat Batangueño.