DUMALO si Vice President Sara Duterte sa inagurasyon ng Child and Adolescent Neurodevelopmental Center (CANDEV) sa isang ospital sa Davao City kamakailan.
Ayon kay VP Sara, ikinatuwa nito ang magandang pasilidad ngunit higit sa lahat— ang tulong at bagong pag-asa na maibibigay nito para sa lahat ng mga batang may espesyal na pangangailangan.
Aniya na mahalaga ang pagpapatayo ng ganitong uri ng pasilidad para sa lahat ng mga Pilipinong nangangailangan.
Muli ay pinasalamatan ng bise presidente ang serbisyo ng mga doktor, occupational therapist, speech therapist sa kanilang ‘di matatawarang serbisyo para sa kapwa.
Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.