VP Sara Duterte hindi dadalo sa SONA ni Marcos Jr.

VP Sara Duterte hindi dadalo sa SONA ni Marcos Jr.

MAS pipiliin ni Vice President Sara Duterte na makipagpulong sa mga Pilipino sa ibayong-dagat kaysa makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ginawa ni VP Sara ang pahayag sa isang ambush interview sa Melbourne, Australia, kung saan iginiit niyang wala namang makabuluhang sasabihin si Marcos para sa bayan.

“I do not intend to attend the State of the Nation Address of President Marcos since I don’t think he will be providing any substantial about our country. And it would be best to spend that time with the Filipino community discussing what we can do for the country, and to improve the country,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

VP Sara, walang sama ng loob kay Marcos Jr. pero may problema sa kaniyang pamumuno

Sa kabila ng usapin ng impeachment laban sa kaniya at ng pagguho ng UniTeam, nilinaw ni VP Duterte na wala siyang personal na galit kay Pangulong Marcos Jr.

“I have no ill feelings with him with regard to the political persecution that I am receiving from the administration because that is part of the life of a politician,” ani VP Sara.

Ngunit binigyang-diin ng Bise na hindi personal ang kaniyang isyu kay Pangulong Marcos Jr.

Ang ipinupunto aniya rito ay ang kapalpakan ng gobyernong Marcos Jr., at kabilang dito ang tahasan nitong paglabag sa Saligang Batas, lalo na ang patungkol sa ilegal na pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands.

“I have problems with his performance as president. And I have problems with the violations of our fundamental law of our constitution particularly with the rendition of former President Rodrigo Duterte. That was really afront to a Philippine sovereignty,” giit ng Bise Presidente.

VP Sara: Marcos Jr., taglay ang mga katangian ng isang scammer

Nang matanong hinggil sa pahayag ni Marcos Jr. na wala siyang kinalaman sa impeachment case laban sa kaniya, mariing iginiit ni VP Sara na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng Pangulo.

Aniya, kabaligtaran ito ng kaniyang mga aktuwal na kilos at desisyon.

Dagdag pa ng bise, hindi na siya nagulat sa tila budol na istilo ni Marcos Jr., na aniya’y may taglay ng lahat ng katangian ng isang scammer.

“I am happy that you have observed that behavior of the president. He gives confliction statement truly, the very first day of his administration. In fact, he has not followed through of his any campaign promises. And that is the example if the conflict with regard to our president. Budol in English is scam. We are not surprised that he has a hallmark of a scammer,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble