VP Sara Duterte, hindi dadalo sa SONA ni Marcos Jr.

VP Sara Duterte, hindi dadalo sa SONA ni Marcos Jr.

HINDI dadalo si Vice President Sara Duterte sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isang media interview sa Davao City nitong Hulyo 11, kinumpirma ni VP Duterte na hindi siya dadalo sa ikatlong SONA ni Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024 sa House of Representatives.

Hindi pa malinaw ang rason kung bakit hindi dadalo si VP Duterte sa SONA sa unang pagkakataon.

Pinili rin ng tatlong dating bise presidente na huwag dumalo sa SONA ni Marcos Jr., kabilang sina Leni Robredo, Jejomar Binay, at Noli de Castro.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble