BINIGYANG-diin ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte na hindi siya makikipag-usap sa mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako.
Nilinaw rin niya na bagama’t wala siyang naunang pag-uusap kay Pangulong Marcos tungkol sa ICC, tiniyak nito sa kanya sa pamamagitan ng isang liham na hindi makikipagtulungan ang administrasyon sa nasabing tribunal.