UMAASA si Vice President Sara Duterte na maibalik ng mga Pilipino ang kanilang pagiging makabayan.
Ito ang mensahe ng pangalawang pangulo bilang pakikiisa sa paggunita kahapon ng 159th Birth Anniversary ni Andres Bonifacio na tinaguriang “Ama ng Katipunan”.
Aniya, maganda kung tularan ng mga Pilipino ang katapangan at kabayanihan ni Bonifacio upang mapagtagumpayan ang lahat ng hamon bilang isang bansa.
Huwag din sanang mapagod ang mga Pilipino na mahalin ang Pilipinas.