Hong Kong – Sa pagtitipon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Southorn Stadium, Wan Chai, ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa suporta ng sambayanang Pilipino, lalo na ng mga kababayang nasa ibang bansa sa ginanap na “Pasasalamat kay PRRD with OFWs.” Ang nasabing event ay pinangunahan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa pamumuno ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni VP Sara ang kanyang naging pagbisita kay Pastor Quiboloy sa isang ospital sa Pasig, kung saan nagbigay ito ng mensahe ng inspirasyon sa kanya.
“Bumisita ako sa kanya [Pastor Quiboloy] nung siya ay nasa Pasig hospital. Sabi niya sa akin, ‘Ikaw, kahit ano man ang sabihin nila, sabihin man nila na kasalanan mo ang lahat ng ito, Inday Sara, dahil hindi ka tumakbong pangulo. Ganyan ang nangyari sa buhay mo dahil hindi pwede na ikaw ang mauna at sila ang sumunod dahil wala nang katapusan. Dapat sila ang mauna at ikaw ang sumunod para matigil na at hindi na paulit-ulit ang kahirapan sa ating bayan.’’
Aniya, masakit pa rin sa kanya tuwing naririnig niya ang mga batikos na “Kasalanan mo ‘yan lahat, Inday Sara.” Ngunit sa kabila nito, pinanghahawakan niya ang sinabi ni Pastor Quiboloy: “You are where you are intended to be by God—exactly where you are.”
Patuloy siyang nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya, mula sa kampanya hanggang sa halalan, at pabiro niyang sinabi: “At sa susunod na halalan sa 2028. Joke lang.”
Sa parehong pagtitipon, nagpahayag rin ng suporta sina VP Sara Duterte at Senador Robinhood Padilla kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Ayon kay VP Sara, “Tingnan natin si Pastor Quiboloy, kung ano ang madadala niya at maitutulong niya sa Pilipinas.”
Dumalo rin sa nasabing event si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD), na nagbigay ng kanyang pahayag at muling ipinakita ang kanyang suporta kay Pastor Quiboloy—ang kanyang matagal nang kaibigan mula sa Davao City—kasama ang iba pang senatoriables ng PDP.
Maliban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nagpadala ng kanyang video message, lumahok sa pagtitipon ang iba pang senatoriables ng PDP upang ipakita ang kanilang pagkakaisa sa adhikain para sa mas magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Ang “Pasasalamat para kay PRRD” ay isinagawa hindi lamang sa Hong Kong kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sa National Capital Region (NCR), ginanap ito sa Meycauayan, Bulacan; Sauyo, Quezon City; Pasig City; at Parañaque City. Sa Luzon, isinagawa rin ito sa Santiago City, Isabela; Urdaneta City, Pangasinan; Gumaca, Quezon Province; at Tabaco City, Albay.
Sa Visayas, lumahok ang mga taga-Talisay City, Cebu; Palo, Leyte; Kalibo, Aklan; Kabankalan City, Negros Occidental; at Bataraza, Palawan. Samantala, sa Mindanao naman, idinaos ang pagtitipon sa Kidapawan, North Cotabato; Pagadian City, Zamboanga del Sur; El Salvador City, Misamis Oriental; Valencia City, Bukidnon; at Bislig, Surigao del Sur.
Sa Davao Region, naganap din ang pagsasama-sama ng mga tagasuporta sa Agdao, Davao City; Catalunan Grande, Davao City; Tugbok, Davao City; at Panabo City.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com
Media Contact:
Hannah Jane Sancho
Media Relations Officer
+639-177-141-820