VP Sara Duterte, ipinag-utos ang pagtukoy sa mga paaralan na kinakailangan ng spot inspection ng mga armas

VP Sara Duterte, ipinag-utos ang pagtukoy sa mga paaralan na kinakailangan ng spot inspection ng mga armas

IPINAG-utos ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang pagtukoy sa mga paaralan na kinakailangan ng spot inspection ng mga armas.

Ito ay kasunod ng isang insidente sa Benito Nieto Elementary School sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan aksidenteng nabaril ng isang 12-taong gulang na estudyante ang kaniyang sarili.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty Michael Poa, inatasan ni VP Duterte ang Field Operations ng DepEd na maglabas ng direktiba para sa lahat ng Regional Offices at Schools Division Office na makipag-ugnayan sa kanilang PNP counterparts sa rehiyon, lungsod at munisipyo.

Ito ay para tukuyin ang mga paaralan na nangangailangan ng spot inspection ng mga armas sa mga tauhan ng paaralan at mag-aaral.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bulacan Provincial Police Office, pinaglaruan ng isang Grade 6 student sa loob ng isang palikuran sa nasabing eskwelahan ang baril na kinuha niya umano sa cabinet na pagmamay-ari ng kaniyang ama nitong Huwebes ng umaga.

Sa kasamaang palad aksidenteng nabaril ng estudyante ang kaniyang sarili kung saan tumama ang bala sa kaniyang baba at lumabas sa bahagi ng kaniyang ilong.

Agad namang itinakbo ng mga guro ang bata sa ospital.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok