VP Sara Duterte, nagpadala ng mensahe sa ika-6 na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

VP Sara Duterte, nagpadala ng mensahe sa ika-6 na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

NAGPADALA ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa ika-6 na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally.

Mga kababayan, ako po ay nakikiisa sa panawagan ng pagpapairal ng batas at katarungan sa hinaharap na isyu ni Pastor Apollo Quiboloy at ng Sonshine Media Network International.

Sa mga ginagawang pagdinig ay tila pinatawan na ng guilty verdict si Pastor Quiboloy kahit na kabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo na nagkukubli ng kanilang katauhan at hindi napatunayan ang kredibilidad.

Marami sa atin ang naniniwala na ang dinaranas ngayon ni Pastor Quiboloy ay pandarahas at hindi patas.

Bukod sa hearing na walang pinatutunguhan ay kabilang din dito ang indefinite suspension ng broadcasting network na SMNI na isang issue ng media freedom.

Hindi biro ang mga pangyayari at paratang na ganito.

Nararapat lamang na bigyan ng patas na laban at sa tamang korte.

Ika nga sa Mateo Chapter 5 verses 11-12 “Pinagpala ang mga nilalait at inuuusig ng mga tao at pinaparatangan ng lahat ng uri ng mga kasamaan na pawang kasinungalingan ng dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inuusig din ang mga propetang nauna sa inyo.

Sana po ay maging gabay natin ang mga bersikulong ito patungo sa kaginhawaan at mabigyan tao ng tibay ng loob sa pagharap sa mga pagsubok at pagtitiis at pag-uusig ngayon.

Lagi po tayong manalangin para sa hustisya at katotohanan.

Justice and the truth cannot be achieved in trial by publicity but by a day in the court.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble