VP Sara Duterte, nagpasalamat sa tumulong para mapalaya ang Pinoy na dinukot ng Hamas

VP Sara Duterte, nagpasalamat sa tumulong para mapalaya ang Pinoy na dinukot ng Hamas

NAGPASALAMAT si Vice President Sara Duterte sa gobyerno ng Qatar, Egypt, at Iran sa tulong ng mga ito para mapalaya ang Pilipinong bihag ng Hamas noong Sabado, Nobyembre 25.

Ayon kay VP Sara, ang kaligtasan ni Jimmy Pacheco ay tagumpay rin ng Marcos administration sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs at ng mga kawani ng embahada ng Pilipinas sa Israel.

Sa ngayon ay nananawagan si VP Sara ang patuloy na pagdarasal para sa kaligtasan naman ni Noralyn Babadilla na pinaniniwalaang kasama sa mahigit 200 kataong dinukot ng Hamas noong Oktubre 7.

Umaasa rin ang pangalawang pangulo na magtatagumpay ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Matatandaan na nagkaroon ng pansamantalang kasunduan ang Israel at Hamas na i-release ng Hamas ang 50 hostages kapalit ng 150 na Palestinian prisoners.

Kabilang naman sa pinalaya ng Hamas noong Sabado, Nobyembre 25 si Pacheco.

Follow SMNI NEWS on Twitter