NAKASAMA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang salo-salo ang mga naging kasamahan nito sa Office of the Secretary sa Department of Education sa loob ng halos dalawang taon.
Nagpapasalamat ito sa kanilang suporta sa kaniya at sa serbisyo ng mga ito para sa bayan.
Ani VP Sara, alam nitong minsan ay hindi na nila iniinda ang oras at nagtra-trabaho pa kahit na lagpas na sa oras ng opisina, maihatid lamang ang serbisyong nararapat para sa publiko.