VP Sara Duterte, nakibahagi ng ayuda sa Cavite

VP Sara Duterte, nakibahagi ng ayuda sa Cavite

SINAMAHAN ni Vice President Sara Zimmerman Duterte si Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa pamamahagi ng relief goods at assistance sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa probinsiya ng Cavite.

Nagtungo ang 2 opisyal sa Barangay Bacao sa General Trias at sa Imus Sports Complex para ipaabot ang mga family food packs sa pamilyang nasalanta.

Ikinatuwa naman ng mga Caviteño ang personal na pagbisita ni VP Sara.

Nangako naman ang bise presidente na lagi nitong iingatan ang kapakanan ng lalawigan at ng mga mamamayan nito.

Dumalo rin ang ilang opisyal mula sa mga lokal na pamahalaan sa Cavite upang ipakita ang kanilang pasasalamat kay VP Duterte sa kanyang pagsisikap.

Follow SMNI NEWS in Twitter