BATAY sa flight information display ng Schiphol Airport sa Amsterdam, Netherlands, may isang flight mula Dubai ang lumapag sa nasabing airport bandang 8:00 ng gabi (oras sa Netherlands) na pinaniniwalaang sakay si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Office of the Vice President (OVP), makikipagkita si VP Sara sa mga abogado at sisikaping makakuha ng access kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.