PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte ang spiritual leader ng The Kingdom of Jesus Christ at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa inisyatiba nito na ‘One Tree, One Nation’—isang nationwide tree planting activity.
Magdadalawang dekada na mula nang maitatag ng Butihing Pastor ang Sonshine Philippines Movement (SPM) sa layong mapangalagaan ang kalikasan.
Isa nga sa Exhibit A ni Pastor Apollo ang Glory Mountain sa paanan ng Mt. Apo sa Brgy. Tamayong sa Davao City kung saan libu-libong pine trees na ang itinanim.