KINUMPIRMA ni Vice President Sara Duterte na naghahanda na ang kaniyang mga abogado ng sagot kaugnay sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya sa Ombudsman.
“We received the request to comment on the Ombudsman. As we speak the lawyers are already preparing for the answer. And the lawyers informed me that we will provide the answer within the period required within 10 days,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam sa Melbourne Austalia, kinumpirma ni VP Sara na tinanggap na nila ang utos ng Ombudsman at kasalukuyang inaasikaso ng kaniyang legal team ang sagot.
Ang utos ng Ombudsman ay kaugnay ng reklamong inihain ng House of Representatives laban kay VP Sara sa isyu ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.
Ayon sa dokumento, inilabas ang kautusan noong Hunyo 19 at binigyan si VP Sara ng hanggang 10 araw para magpaliwanag.