TINAWAG ni Vice President Sara Duterte na sinungaling si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Hindi rin aniya ito marunong maging pangulo ng isang bansa.
Sa paliwanag ni VP Sara, noong campaign period taong 2022, posibleng hindi alam ni BBM kung ano ang sinasabi niya, o wala talaga siyang kakayahan o kaya’y gusto niya lang magsinungaling para manalo sa eleksiyon.
Numero unong halimbawa ang ipinangako ni Marcos Jr. na P20 bawat kilo na bigas na imbis matupad ay lalo pang nagmahal ang presyo nito sa merkado.
Sa pahayag pa ni VP Sara, ‘hopeless’ sa kasalukuyan ang estado ng bansa dahil walang ginagawa ang gobyerno lalong-lalo na ang mga kaalyado ni Marcos Jr.
Ika nga, ‘on a road to hell’ na ang Pilipinas.
Alam na alam aniya ito dahil naging cabinet member siya at naririnig niya ang lahat.