INIREREKLAMO ni VP Inday Sara Duterte na wala silang kakamping kongresista sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee sa isyu ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd Confidential Funds.
Saad ni VP Sara, ‘hindi sila maka-point of order’ para kuwestiyunin ang mga tanungan sa komite.
Iyan ang ipinunto ni VP Sara nang lapitan nito ang mga lider ng House Blue Ribbon habang naka-suspinde ang interpelasyon.