VP Sara sa gitna ng impeachment laban sa kaniya: God save the Philippines

VP Sara sa gitna ng impeachment laban sa kaniya: God save the Philippines

“God save the Philippines!” iyan ang nasabi ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng inihain ng House of Representatives (HOR) na reklamong impeachment laban sa kaniya.

Nanalangin at naniniwala ang Pangalawang Pangulo ng bansa na ililigtas ng Diyos ang bansang Pilipinas sa gitna ng impeachment complaint na inihain ng House of Representative laban sa kaniya.

God save the Philippines,” matapang na pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ng VP na alam niyang matagal na itong pinaghandaan ng Kamara mula nang palutangin ni convicted France Castro ang isyung ito noong Nobyembre 2023.

November 2023, there are already lawyers doing their work for the impeachment. We leave it to the lawyers,” paliwanag ni VP Duterte.

Sinabi pa ni VP Sara na maraming abogado ang nagpahayag ng kanilang kahandaang maging defense lawyer. Isa na rito ang kaniyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ngunit nilinaw rin niya na posibleng hindi niya papayagan ang kaniyang ama na mag lead counsel dahil sa edad nito.

Maybe if he wants to, he can be part of the defense team but because of age and because of rigorous preparations in an impeachment case, baka sabihin ko sa kaniya na huwag na lang siyang mag-lead dahil medyo may edad na si President Rodrigo Duterte,” paliwanag pa ng VP.

VP Sara, muling itinanggi na kaniyang pinagbantaan si Marcos Jr.

Aabot sa pitong Articles of Impeachment ang inendorso ng 215 miyembro ng Kamara sa Senado kamakailan.

Isa sa mga nilalaman ng articles of impeachment ay ang pagbabanta umano ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pero mariing itinanggi ni VP ang nasabing akusasyon.

I did not make an assassination threat to the president. Sila lang nagsasabi niyan. Sila lang nagsasabi na may assassination. Sila nagsasabing may assassin, may gunman. I did not say that,” paliwanag niya.

VP Sara sa paglagda ng mga kongresista mula sa Mindanao: wala akong feelings

Sa mga lumagda sa impeachment complaint, 40 na mga mambabatas ang mula sa mga congressional district ng Mindanao kabilang na si Congressman John Tracy Cagas ng Davao del Sur.

Sinabi ng VP na wala siyang naramdaman.

“Do I feel betrayed? Actually, wala akong feelings. Kung napapansin niyo wala naman talaga akong barkada na politiko. I don’t join their circles,” aniya pa.

Sinabi ng matapang at magandang anak ni PRRD sa mensahe niya para sa “Valentine’s Day” na mas masakit pa ang maiwan ng minamahal kaysa ma-impeach.

Mas masakit ang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach,” pabirong sambit nito.

Ayon pa sa VP na kaya siguro naging madali para sa mga nasabing mambabatas na lumagda sa impeachment dahil wala siyang malapit o personal na relasyon sa mga ito.

Nilinaw rin niya na hindi kailangang magpaliwanag ng mga kongresista kung bakit sila pumirma, lalo na kung naniniwala silang wala naman silang ginawang mali.

If you have to explain or defend your signature in a ‘yes’ petition for an impeachment, then you feel that you have done something wrong. Kung wala ka namang ginawang mali, bakit mo i-defend ‘yung pirma mo,” pagbibigay-diin ng VP.

Kung mapapansin sa mga nagdaang araw, ilang mambabatas na ang nagpaliwanag sa publiko kung bakit nila sinuportahan ang impeachment complaint, matapos silang binatikos ng kanilang mga nasasakupang sumusuporta sa pangalawang pangulo.

Sinabi ni VP na hindi siya dadalo sa mga pagdinig kaugnay sa impeachment complaint.

Hindi na. Kasi baka ma-intimidate lang silang lahat sa presence ko doon,” aniya pa.

Resignation sa gitna ng impeachment complaint, pinabulaanan ni VP Sara

Pinabulaanan naman ng VP ang usap-usapan na siya ay magreresign.

Wala pa tayo doon. Masyado pang malayo ‘yung mga ganiyan na mga bagay,” maikli niyang paliwanag.

Samantala, siya ay nagpapasalamat para sa mga sumusuporta, nagmamahal, at nagdarasal para sa kaniya.

Hindi niya hinihikayat ang mga taga-suporta na mag-rally sa kalsada at dapat aniya unahin na muna nila ang kanilang trabaho o mga negosyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter