VP Sara: Gusto nila akong tanggalin sa posisyon at totoo ang mga banta sa akin

VP Sara: Gusto nila akong tanggalin sa posisyon at totoo ang mga banta sa akin

NAITANONG kay Vice President Sara Duterte sa Zamboanga City kung magkakaroon pa ba ng pagkakataong makapag-usap sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hinaharap.

Iyan ay sa gitna ng mga nangyayari sa politika nitong mga nagdaang araw.

Sagot ng bise…

“I really believe we reached the point of no return. It is clear they are really going after me. Gusto nila akong tanggalin sa posisyon,” saad ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin din ni Vice President Duterte na totoo ang mga banta laban sa kaniya.

Ang lahat ng ito ay bago pa man aniya mangyari ang kaguluhan sa Kamara.

“Documented lahat ng threats sa akin, sa Office of the Vice President personnel, and even sa aking family,” ani VP Sara.

Nito ngang mga nakaraang araw, mas binigyang-diin pa ng pangalawang pangulo ang banta sa kaniyang seguridad.

Sinabi niya na may resbak siya sakaling ipapapatay siya ni Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Philippine National Police, nakakahiya ayon kay VP Sara

Kung ang Philippine National Police (PNP) ang tatanungin ay wala naman anila silang natanggap na impormasyon sa banta laban kay Vice President Duterte.

Bagay na pinalagan ng bise na aniya ay nakakahiya.

“Nakakahiya sa buong mundo na ang Philippine National Police natin, who by the way has intelligence funds, hindi alam ang mga pangyayari sa ating bansa. Nakakahiya na mayroon tayong pulis na hindi nila alam ang threat sa Vice President. Nakakahiya iyan. Huwag sila nagsasalita ng ganyan. Nagpapakita iyan ng incompetence ng Philippine National Police,” dagdag ng Bise Presidente.

Sa unang bahagi nitong taon, nauna nang sinabi ni VP Sara na may balak mang-gurgur o pumatay sa kaniya.

Kaugnay sa mga banta laban sa kaniya, sinabi ng pangalawang pangulo may nais kasing makamtan si Romualdez.

“Gusto kasi mag-Vice President ni Martin Romualdez at hindi niya alam ayaw ng mga congressman at ng mga senador na mag-Vice President si Martin Romualdez. At hindi niya alam na ayaw ng taumbayan na mag President si Martin Romualdez. Unfortunately, hindi maintindihan yun ni Martin Romualdez,” ayon kay VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble