SA pagkikita ni Vice President Sara Duterte at dating bise na si Leni Robredo sa Naga City, lumutang ang posibilidad na magkaroon ng alyansa sa politika sa pagitan ng dalawa.
Pero ayon kay VP Sara na hindi siya handa na makipag-alyansa sa kahit sinumang politiko o anumang partido.
Naibahagi nga rin ng bise na tumanggap siya ng imbitasyon noon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sumama sa kanilang partido.
Aniya, ang pagdepensa sa Office of the Vice President ang kaniyang prayoridad ngayon.
Wala rin aniyang diskusyon na makipag-alyansa ang Hugpong ng Pagbabago sa Partido Demokratriko Pilipino.
Dating Pangulong Duterte, walang payo kay VP Sara sa pagtanggol sa OVP
Pero may payo kaya ang ama ni VP Sara sa kaniya sa padepensa sa kaniyang tanggapan?
VP Sara, wala pang i-eendorsong kandidato para sa 2025 midterm elections
Samantala, sa papalapit na filing ng certificate of candidacy para sa 2025 midterm elections may indibidwal ba na kakandidadto pagkasenador ang i-eendorso ang bise?
Wala rin ani VP Sara ang humihingi ng endorsement mula sa kaniya para sa susunod na eleksiyon.
Sa tanong naman kung tutuloy ba sa pagtakbo sina dating Pangulong Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at Congressman Paolo Duterte, narito naman ang sagot ni VP Sara.