HINDI magre-resign bilang pangalawang pangulo si Vice President Sara Duterte.
Sa kabila ito ng mga panawagan laban sa kaniya dahil sa umano’y sunud-sunod na hindi pagdalo nito sa budget deliberations na ginagawa ng Kamara para sa 2025 proposed budget ng Office of the Vice President.
Ani VP Sara, hindi siya sasagot sa panawagan na ito ng ‘young guns’ ng Kamara dahil mas kailangan pa niyang sumagot sa panawagan ng 32 milyong Pilipino na bumoto sa kaniya.
Samantala, sa magiging budget deliberation ng Senado para sa OVP ay nangako si VP Sara na dumalo.