VP Sara, hindi umaasa na magiging patas ang kasalukuyang gobyerno

VP Sara, hindi umaasa na magiging patas ang kasalukuyang gobyerno

HINDI umaasa si Vice President Sara Duterte na magiging patas pa ang kasalukuyang gobyerno.

Ito ang naging tugon ng pangalawang pangulo matapos dumalo ito sa pinakahuling House panel inquiry hinggil sa paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) maging sa Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kaniyang pamamahala noon.

Hinggil naman sa kaniyang mga natatanggap na banta, naibahagi ni VP Sara na nag-complain na siya noon kaugnay dito pero wala aniya siyang natanggap na aksiyon mula sa pamahalaan.

Sagot ito ng pangalawang pangulo ngayong mistulang ginagawa na siyang masama ng Marcos Jr. admin kaugnay sa sinabi niya noong Sabado, Nobyembre 23, 2024 na may resbak siya sakaling ipapapatay siya ng pangulo, ni First Lady Liza Marcos at ni House Speaker Martin Romualdez.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter