VP Sara humingi ng pasensiya sa pagkakatigil ng Medical at Burial Assistance ng OVP

VP Sara humingi ng pasensiya sa pagkakatigil ng Medical at Burial Assistance ng OVP

MAY halong panghihinayang ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte nang humarap siya sa media para linawin ang dahilan kung bakit natigil ang ilan sa mga pangunahing serbisyo ng Office of the Vice President (OVP), kabilang na ang Medical at Burial Assistance.

“Humihingi kami ng pasensya dahil nawala talaga ‘yung, alam niyo ang pinaka-in-demand talaga na project ng Office of the Vice President ay ‘yung Burial and Medical Assistance. And tinanggal talaga nila, tinanggal ng House of Representatives ‘yung line item na ‘yun. Kaya hindi talaga namin siya malagyan ng budget. So humihingi kami ng pasensya doon,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Dahil sa biglaang pagbabago sa budget, kinailangan ng OVP na agarang magsagawa ng internal na re-assessment sa kanilang mga proyekto at target. Bawat pisong natitira sa kaban ng kanilang tanggapan ay kailangang pagplanuhan nang mabuti.

“So, nag-restrategize kami sa Office of the Vice President. Sinabi ko sa kanila, since maliit na lang ‘yung budget natin, paliitin natin ‘yung project. Tapos habulin na, bilisan natin na maabot natin ‘yung targets natin para next year makagawa tayo ng iba pang project,” dagdag ni VP Sara.

Sa kabila ng kakulangan sa pondo, nagpapatuloy pa rin ang ilang mga programa ng OVP tulad ng Disaster Operations Center, ang Pagbabago Campaign para sa edukasyon ng kabataan, at ang layuning makapagtanim ng 1 milyong puno.

Hindi rin nakaligtas sa epekto ng budget cut ang kanilang mga satellite office.

“Kung makikita n’yo, meron kaming mga paglipat ng offices dahil lumiit din ‘yung budget na namin para sa arkila—sa rent. So meron kaming relaunching across the country, relaunching ng mga offices namin kasi kailangan namin lumipat sa mga maliliit na offices na mababa ‘yung renta,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble