VP Sara, ibinunyag ang mga katiwaliang ginawa ng ex-DepEd official

VP Sara, ibinunyag ang mga katiwaliang ginawa ng ex-DepEd official

SA pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa budget utilization ng Department of Education (DepEd), humarap ang dating Education Undersecretary na si Gloria Jumamil-Mercado.

Naitalaga bilang head ng Human Resources si Mercado noong Agosto 2022 at nabigyan ng concurrent position bilang head ng Procurement Department noong Pebrero 2022.

Sabi ni Mercado – tumanggap siya ng limang sobre na naglalaman ng tig-P50,000 noong 2023 na aniya ay nagmula kay Vice President Duterte noong kalihim pa ito ng DepEd.

Pero ang akusasyon ni Mercado – sinagot ni VP Sara.

“Dapat siguro kung mag-akusa siya na ganiyan, dapat may papel siya. Tulad nang ako kapag inaakusahan ako, binibigay ko ‘yung papel,” ayon kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay VP Sara, isang ‘disgruntled employee’ o kawani na dismayado’t puno ng reklamo lamang si Mercado na kalauna’y sinibak sa puwesto.

Taliwas iyan sa sinabi ni Mercado sa pagdinig ng komite sa Kamara na pinag-resign siya ng chief-of-staff ng bise na si Usec. Zuleika Lopez.

“She was let go because of lost of trust and confidence sa Office of the Secretary,” dagdag ni VP Sara.

Ayon kay VP Sara – naka-strike 2 sa kaniya si Mercado dahil sa mga katiwalang kinasangkutan nito. Una na rito – ang pag-solicit ni Mercado ng P16M sa isang kompanya.

“Ang una niyang ginawa, nag-solicit siya ng P16 million sa isang kompanya on paper using my name without any authorization from the Department of Education,” ani VP Duterte.

Bilang pruweba, inilabas ng OVP ang solicitation letter ni Mercado kung saan naka-attach pa ang pagkakagastusan ng hinihingi nitong P16M.

Isang guro naman sa Cebu ang nagsumbong kay VP Sara na may isang ‘teacher item’ ang wala sa kahit saanmang paaralan sa lalawigan.

Napag-alaman ng bise ni kinuha pala ito ni Mercado at ginawa niyang kaniyang executive assistant.

“Noong bumalik ako sa Central Office, tinanong ko totoo ba na mayroon tayong teacher item na galing sa Region 7 na nandito sa atin? Totoo daw. Nasa HR. HR pa mismo ang gumawa ng parang injustice sa teachers namin sa field. So, on that second point hindi ko na pinalampas,” aniya.

Pagkatapos na masibak sa puwesto sa DepEd, lumipat sa Senado si Mercado. Doon – sinimulan niya nang siraan ang ilang opisyal ng DepEd.

Para sa pangalawang pangulo – hindi lang matanggap ni Mercado na kagagawan din mismo nito ang lahat kaya’t tinanggal siya sa DepEd.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble