VP Sara, iginiit na isang playbook ang sinusunod para makasuhan siya sa ilalim ng Anti-Terrorism Law

VP Sara, iginiit na isang playbook ang sinusunod para makasuhan siya sa ilalim ng Anti-Terrorism Law

NATANGGAP na ni Vice President Sara Duterte ang subpoena na isinilbi ng National Bureau of Investigation (NBI).

Iimbestigahan ng NBI ang umano’y grave assault at violations sa ilalim ng Anti-Terrorism Law na maaaring nagawa ng bise.

Pero iginiit ni VP Sara…

“I believe, pinipilit na lang talaga nila na gawan ng kaso ‘yung mga remarks ko.”

“Natatawa ako sa violations on the Anti-Terrorism Law kasi sinusubukan nila to reach sa aking properties and assets,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Sabi ni Vice President Duterte na may sinusunod silang playbook para siya ay makasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law.

Aniya, ginawa na rin ito kay Dating Negros Oriental Congressman Arnie Teves.

“Ano ba ang gusto nilang gawin kaya sila nagfi-file at nagcha-charge ng Anti-Terrorism Law? Gusto nila mag-cancel ng passport. Gusto nila mag-red notice sa international. So hindi ka makakagalaw overseas. Gusto nila mag-AMLC, Anti-Money Laundering Violations. So ibig sabihin ife-freeze nila ‘yung pera mo at ‘yung properties mo,” dagdag ni VP Duterte.

Dagdag pa ni VP Sara na sa sinusunod nila na playbook nais nilang magsagawa ng search warrants upang makapasok sa kaniyang property.

Gaya aniya sa ginawa sa pamamahay ni Teves, unang papasok ang clearing team ng nga awtoridad para magtanim ng mga baril at mga posibleng ilegal na bagay gaya ng droga.

“Tapos papasok ang search team. Pagpasok sa search team syempre nandoon na ‘yung mga hinahanap kuno nila. So iyan ang sinusunod nila. It’s not without president ang pag-file nila ng Anti-Terrorism Law,” paliwanag ng Bise Presidente.

Ani VP Sara na pinipilit lang ng mga ito na magkaroon siya ng mga paglabag sa batas.

Malinaw aniya ito na isang uri ng pang-uusig at pangha-harass.

Iginiit pa ng pangalawang pangulo na bilang isang abogado alam niya anong legal at ilegal.

Kaugnay iyan sa kaniyang nasabi laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

“Hindi actionable ang maghabilin ka. Hindi actionable ‘yun. Walang active threat kung hindi ako mamatay. Walang mali doon. Walang ilegal doon,” giit ni VP Duterte.

Kinuwestiyon din ni VP Sara ang pagdo-doble ng seguridad sa Presidente at First Family.

“Nilalakasan niyo ‘yung security niya? Ibig sabihin ba noon na papatayin na ako? Why for will you double the security? Di ba? Itong mga dictator at oppressor, unfortunately hindi sila magagaling mag-isip.”

“Hindi nila iniisip na lahat ng sinasabi nila doesn’t make sense especially kapag nagsisinungaking ka. Mahuhuli at mahuhuli ka sa pagsisinungaling mo,” aniya pa.

VP Sara, magsasampa ng kasong kidnapping at robbery sa ilang opisyal ng pulisya

Kaugnay naman sa nangyaring insidente habang inililipat ang kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez sa ospital noong weekend, magsasampa ng kaso si Vice President Sara sa ilang opisyal ng pulisya.

“Initially we are filing charges against them, as well, for disobedience, for kidnapping for robbery,” aniya.

Matatandaan na nagkaroon ng tensiyon habang inililipat si Atty Lopez sa St. Luke’s Medical Center.

Sapul sa video na pilit isinara ng isang pulis ang likod na pinto ng ambulansya habang nakatayo pa si VP Sara at iba pang tao.

Bagay na ikinagalit ng mga taong nakapalibot sa bise.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble