VP Sara, ipinagmamalaki ang Tulakaalaman at Byaheng Kaalaman Project ng DepEd sa Mindanao

VP Sara, ipinagmamalaki ang Tulakaalaman at Byaheng Kaalaman Project ng DepEd sa Mindanao

IPINAGMALAKI ni Vice President Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang Tulakaalaman at Byaheng Kaalaman Project ng DepEd sa Mindanao matapos ang courtesy call ni Dr. Sadat B. Minandang, Principal 1 ng Lugay-Lugay Central School, Cotabato City sa opisina ng DepEd noong Disyembre 2023.

Kasama rin si Dr. Concepcion F. Balawag, Schools Division Superintendent ng Cotabato City sa pagbisita.

Ang Tulakaalaman at Byaheng Kaalaman Project ay isang kamangha-manghang inobasyon sa edukasyon na naglalayong ibahagi ang kaalaman sa mga batang hindi nabibigyan ng kaukulang edukasyon at sa mga out of school children.

Si Dr. Sadat B. Minandang ang nagtatag ng nasabing proyekto na siyang nag-iisang Pilipinong guro na nakapasok sa top 50 finalists ng 2023 Global Teacher Prize ng Varkey Foundation, Dubai Cares, at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Nakatanggap din siya ng Princess Maha Chakri Award bilang Outstanding Teacher in Southeast Asia noong 2019 sa Bangkok, Thailand.

Pinarangalan din siya bilang Ulirang Guro ng Mindanao at National Finalist noong 2019, Outstanding Educator ng UNESCO Club of the Philippines, Regional ng Bayan Awardee noong 2021, at Regional Peace Champion Finalist.

Bukod sa pagiging isang guro, naglingkod din si Dr. Minandang bilang humanitarian worker sa isang non-government organization sa mga lugar na sinalanta ng man-made at natural na kalamidad sa Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble