IPINALIWANAG na ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang desisyon na huwag sumali sa Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban).
Ito’y kahit pa ang nakababatang kapatid nito na si Davao City Vice Mayor-elect Baste Duterte ang papalit bilang temporary president ng partido.
Aniya, mas pipiliin niya na lang magiging ‘single’ ngunit handang makihalubilo sa anumang partido.
Sa pahayag ng PDP-Laban nitong Hunyo 16, 2025, nag-leave si Sen. Robin Padilla bilang presidente ng partido upang bigyang-prayoridad ang kaniyang tungkulin bilang mambabatas sa 20th Congress.
Bilang vice president ng partido ay awtomatikong hahalili sa posisyon si Baste.