SINAGOT ni Vice President Sara Duterte ang tugon ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang mga birada kamakailan.
‘’Hindi ko palalampasin ang ginawa nila sa akin,’’ ayon kay Vice President Sara Duterte.
Yan ang sagot ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Bongbong Marcos matapos maglabas ng reaksyon ang Presidente sa mga pinakahuling tirada sa kaniya ng bise.
Sabi ni VP Sara, hindi pa niya nababasa ang buong sagot ng Pangulo at maglalabas ng buong komento.
Bukas rin aniya siya sa subpoena order ng NBI laban sa kaniya matapos niyang sabihin na may resbak siya sakaling ipapapatay siya ni Pang. Marcos Jr. First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.
Kung babalikan ang pahayag ng bise, malinaw na rhetorical o conditional remark ang kaniyang pahayag kung mangyayari nga ang assassination attempt laban sa kaniya.
Sa unang bahagi nitong taon, nauna nang sinabi ni VP na may balak mang-gurgur o pumatay sa kaniya.
‘’Huwag kang mag-alala Maam sa security ko, kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kaniya, kapag pinatay ako—patayin mo si BBM, si Liza Araneta at si Martin Romualdez. No joke,’’ saad nito
Samantala, pinuktakti ng bashers ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang facebook page.
Karamihan sa komento ng netizens ay nagpapahayag ng galit sa punong ehekutibo.
Inulan rin siya ng hamon na sumalang sa drug test.
Saad diyan ni BBM kay VP Sara, hindi niya palalampasin ang mga pagtatangka.
Samantala, pinuna naman ni VP Sara ang National Security Council dahil sa hindi patas na pagtugon sa aktwal na assassination attempt sa kaniya.
Sa panayam dito sa Kamara, saad ni VP na walang aksyon ang NSC sa banta sa kaniyang buhay kahit siya ang ikalawa sa pinakamataas na lider ng bansa.
Hindi patas na tugon ng National Security Council sa assasination attempt laban sa kaniya, inireklamo ni VP Sara
‘’Nag-complain ako noon if you can remember in the media and then dismissed it. Everything is well documented with documents and videos and nagsabi ang NSC na national security concern ang threat sa President pero apparently they did not really considered the threat to the Vice President as anything of a concern. So what kind of country is this? Hindi ba kaparte ng gobyerno ang Vice President? Hindi ba ako binoto ng mga tao? Hindi baa ko ang Vice President ng buong Pilipinas ng lahat ng mga Pilipino?’’ ani VP Sara.
‘’Pag threat sayo baliwala, pag threat sa kanila national security. San ka?’’ ayon kay VP Sara.
Nag-privilege speech naman si Speaker Romualdez sa Monday session hinggil sa naging pahayag ng bise.
Nanawagan si Romualdez sa mga kapwa niya kongresista na suportahan siya.
Sa ngayon ay pinalawig pa ng Kamara sa sampung araw ang contempt order laban kay Atty. Zuleika Lopez—na Chief of Staff ng Office of the Vice President.