VP Sara, kinuwestiyon ang NSC kung ano ang ginagawa ng ahensiya

VP Sara, kinuwestiyon ang NSC kung ano ang ginagawa ng ahensiya

UMANI ng samu’t saring reaksiyon ang naging pahayag kamakailan ni Vice President Sara Duterte na mayroon na umano itong nasabihan na hitman na papatay kay Bongbong Marcos, Liza Marcos, at Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.

Nobyembre 24, 2024, araw ng Linggo nagpalabas ng pahayag ang National Security Council (NSC) sa pamamagitan ni NSA Secretary Eduardo Año kaugnay sa mga sinabi ng bise presidente.

Sa kanilang statement itinuturing anila itong seryosong banta sa pangulo at sa Pilipinas.

“The National Security Council considers all threats to the President of the Philippines as serious. Any and all threats against the life of the President shall be validated and considered a matter of national security,” saad ni Sec. Eduardo Año, National Security Adviser.

Sinabi pa ng NSC na mahigpit ngayon ang kanilang ginagawang monitoring katuwang ang ibang law enforcement at intelligence agencies upang imbestigahan ang naturang pahayag ng ikalawang pangulo.

“We shall be closely coordinating with law enforcement and intelligence agencies to investigate the nature of the threat, the possible perpetrators, and their motives. We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President represents,” dagdag ni Año.

Bagay na sinagot naman ni VP Sara, sa panayam ng media araw ng Lunes sinabi ng ikalawang pangulo na trabaho ng NSC na gumawa ng mga polisiya para proteksiyonan ang soberaniya ng Pilipinas.

“This is in response to the statement made by the National Security Adviser speaking for the National Security Council dated 24 November 2024. National security pertains to the protection of our sovereignty, the safety of the Filipino population, and the preservation of our democratic institutions. The function of the National Security Council is confined to the formulation of policies in furtherance of such pursuits,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Kaya sinabi ni VP Sara na kung meron man aniyang napag-usapan ang NSC patungkol sa kaniyang pahayag ay hihingin niya ang kopya nito.

“I would like to see a copy of the notice of meeting with proof of service, the list of attendees, photos of the meeting, and the notarized minutes of meeting where the Council, whether present or past, resolved to consider the remarks by a Vice President against a President, maliciously taken out of logical context, as a national security concern,” giit ni VP Duterte.

Hiling din ng ikalawang pangulo na sa susunod na meeting ng NSC ay ipipresenta ang mga banta na natatanggap ng Office of the Vice President at ng mga personahe nito.

“In addition, please include in the agenda for the next meeting, my request to present to the Council the threats to the Vice President, the OVP institution and its personnel,” ayon pa sa Bise Presidente.

Kinuwestiyon din nito ang NSC kung bakit mula noong nanungkulan bilang ikalawang pangulo ng bansa si VP Sara ay hindi siya naiimbitahan sa mga meeting ng NSC.

“As a member of the National Security Council (EO 115 Dec 24, 1986), I do not recall receiving a single notice of meeting since 30 June 2022. I request the NSA to please send to me the notarized minutes of all meetings conducted by the Council from 30 June 2022, if any. I want to review what the council has accomplished so far, in terms of policies and recommendations for national security,” aniya.

Dahil dito, hindi maiwasan ng ikalawang pangulo na magtanong kung ano ba ang ginagawa ng NSC.

“Gusto malaman ng taong bayan kung ano ang ginagawa ng National Security Council at ano ang nagawa ng National Security Council,” aniya pa.

Binigyan din nito ng palugit ang ahensiya na isumite sa loob ng 24-oras ang eksplenasyon kung bakit hindi na miyembro ng NSC ang ikalawang pangulo.

“Moreover, please submit within 24 hours, an explanation in writing with legal basis why the VP is not a member of the NSC or why as member I have not been invited to the meetings, whichever is applicable,” giit nito.

Sa huli, nananawagan si VP Sara sa lahat ng Pilipino.

“I urge all National Security Council members and the Filipino people to demand transparency and accountability from the personnel of NSC,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble