VP Sara, magiging OIC ng bansa habang nasa official trip si PBBM sa 2 bansa

VP Sara, magiging OIC ng bansa habang nasa official trip si PBBM sa 2 bansa

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. si Vice President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) ng Office of the President habang nagsasagawa ito ng state visits sa bansang Indonesia at Singapore sa Setyembre 4-7.

Batay sa Special Order No. 75 na pinirmahan noong Setyembre 2, si VP Inday ang mangangasiwa sa pang-araw-araw na operasyon ng Office of the President at siyang mag-ooversee ng general administration ng Executive Department.

Valid din ang magiging desisyon ni VP Inday basta’t hindi ito sinaway o sinalungat ng Pangulo.

Sa special order, inatasan din ang lahat na departamento, ahensya at iba pang may kaugnayan sa pamahalaan na tulungan ang pangalawang pangulo sa lahat ng mga gawain.

Samantala, si Pangulong Marcos ay nasa Indonesia simula Setyembre 4-6 at Singapore naman mula Setyembre 6-7.

Dinaluhan naman ni VP Sara ang send-off ceremony ng delegasyon na pinapangunahan ng Pangulo.

Aniya, layunin ng state visits ay upang mas palakasin ang relasyon at kooperasyon ng Pilipinas sa mga karatig-bansa upang makaraos ang ating ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

Follow SMNI NEWS in Twitter