MANANALO si Vice President Sara Duterte sa 2028 national elections kung tatakbo ito bilang pangulo ng bansa.
Factor o rason dito ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-aresto sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) sa pamamagitan ng isang warrant.
Marso 11, 2025, 10:00 ng umaga nang inaresto ng Philippine National Police (PNP) si FPRRD kahit pa kararating lang nito mula Hong Kong.
Ang arrest warrant na mula anila sa ICC ay binasa lang din ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief Police Major Gen. Nicolas Torre III sa kaniyang gadget.
Matapos naman ang ilang oras, alas 11:00 ng gabi, nang tuluyan nang isinakay sa eroplanong umano’y pagmamay-ari ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co si FPRRD papuntang Netherlands kung saan ang headquarters ng ICC.
Follow SMNI News on Rumble