VP Sara nagpahayag ng pag-aalala sa kalagayan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan

VP Sara nagpahayag ng pag-aalala sa kalagayan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan

SA gitna ng umiigting na sigalot sa Gitnang Silangan, ipinarating ni Vice President Sara Duterte ang kanimyang taos-pusong malasakit para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naninirahan at nagtatrabaho sa rehiyon.

Hinimok ni VP Sara ang sambayanang Pilipino na magkaisa sa panalangin para sa kanilang kaligtasan.

“The Office of the Vice President is deeply concerned about the welfare of Filipinos working and living in the Middle East as hostilities continue to escalate. As a nation, we should come together in prayer for the safety of our kababayans even as we hope for the expeditious and peaceful end to the conflict,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ng Bise Presidente ang kahalagahan ng pagiging handa ng mga Pilipino sa harap ng lumalalang tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran. Kasabay nito ang paalala na maging mapanuri sa mga balita.

Ayon kay VP Sara, iwasan ang pagkakalat at paniniwala sa maling impormasyon. Aniya, dapat tiyaking mula lamang sa mapagkakatiwalaang media ang mga detalye tungkol sa sitwasyon.

“Umiwas sa fake news, disinformation, at misinformation. Tiyaking nagmumula sa mapagkakatiwalaang media group ang mga impormasyon hinggil sa mga kasalukuyang pangyayari. Pakinggan ang payo ng mga awtoridad para sa maayos na evacuation at iba pang mga importanteng hakbang para sa inyong kaligtasan,” dagdag ng Bise Presidente.

Paalala ng bise, pananatiling mahinahon at matatag sa kabila ng sitwasyon. Sa gitna ng pangamba, aniya, ay dapat panghawakan ng bawat isa ang pananampalataya at pag-asa para sa kapayapaan.

Sa kaniyang pahayag, may panawagan din siya sa mga bansang sangkot sa kaguluhan na panatilihin ang dignidad ng sangkatauhan.

“To all the governments involved in the conflict, we hope that you will always uphold the norms that safeguard humanity during these challenging times,” mensahe ni VP Sara.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble