VP Sara, nagsagawa ng gift-giving sa Laguindingan, Misamis Oriental

VP Sara, nagsagawa ng gift-giving sa Laguindingan, Misamis Oriental

NAGSAGAWA ng gift-giving activity si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga inang Muslim ng Cagayan de Oro City at karatig-bayan ng Misamis Oriental sa katatapos na Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Ginanap ito sa Brgy. Gasi Covered Gym ng Laguindingan, Misamis Oriental.

Ang Eid al-Fitr ay pinagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim bilang pasasalamat sa pagtatapos ng kanilang pag-aayuno at pagninilay-nilay. Ito rin ay panahon ng pagbibigayan at pagkakaisa.

Ang tradisyon ng Duyog Ramadan ay sumibol dito sa isla ng Mindanao. Isa itong peace-building initiative kung saan ang mga Katolikong simbahan ay naghahandog ng pagkain sa Muslim Community matapos ang kanilang pag-aayuno alinsunod sa kanilang pananampalataya.

Naging tulay ito sa pagkakaunawaan at kapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

Dalangin ni VP Sara na magpatuloy ang kapayapaang nasimulan sa Mindanao.

Nagbigay rin ito ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng edukasyon at kapayapaan.

Hinikayat din ng bise presidente ang mga magulang na pahalagahan ang edukasyon ng kanilang mga anak dahil ito ang susi sa pagbabago ng kanilang mga buhay.

Binigyan diin nito na pangalagaan ang kapayapaan at huwag tangkilikin ang mga taong nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang mga komunidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter