BATAY sa resulta ng survey ng Pulse Asia, nakakuha ng 52% ratings si Vice President Sara Duterte nitong Pebrero na mas mataas sa 50% na naitala nito noong buwan ng Enero.
Mas mataas din ang nakuha nitong ratings kumpara kay BBM na may 42%, mas mababa ito ng 9% kumpara sa naitala nito noong Enero.
Isinagawa ang naturang survey noong Pebrero 20 hanggang 26 na may 2,160 respondents nationwide.
Samantala, sa usapin naman ng 2028 presidential election, lumabas din sa naturang survey na nangunguna si VP Sara sa gusto ng taumbayan na may 39%.
Sinundan ito ni Raffy Tulfo na may 28% at Grace Poe na may 14%.
Follow SMNI News on Rumble