VP Sara, nasa Brunei na para sa 3-day visit

VP Sara, nasa Brunei na para sa 3-day visit

DUMATING na sa Brunei si Vice President at Education Secretary Sara Duterte upang tugunan ang mandato bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

Bago pumunta sa Bandar Seri Begawan ay nag-courtesy visit ang pangalawang pangulo kay Brunei Crown Prince Haji Al-Muhtadee Billah.

Binisita rin ng VP ang pampublikong paaralan na maraming mga batang Pilipino ang nag-aaral.

Kasama rin ang mga pribadong paaralan, ang SEAMEO Regional Centre for Vocational and Technical Education and Training (SEAMEO VocTech) na kaniyang nakatakdang bisitahin.

Makipagkita rin ang bise presidente sa Filipino community sa Brunei para sa ika-125th Independence Day ng bansa.

Inaasahang mayroong 2-day visit din si VP Sara sa Singapore para sa SEAMEO pagkatapos sa Brunei.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter