VP Sara natuklasan na kabilang siya sa listahan ng ipapaaresto ng ICC

VP Sara natuklasan na kabilang siya sa listahan ng ipapaaresto ng ICC

KINUMPIRMA ni Vice President Sara Duterte na nasa listahan siya ng mga nais ipaaresto ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Iyan ang sinabi ng bise sa isang panayam sa Carcar City, Cebu.

Aniya, nalaman niyang siya ay kasama sa naturang listahan matapos nilang higpitan ang pagdalaw niya kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at isailalim sa monitoring ang kanilang mga usapan.

“Yes, sir. Oo, nasa listahan ako. Marami kami doon. Nalaman ko ito kasi noong una, pinayagan pa akong bumisita araw-araw kay Pangulong Duterte. Pero kinalaunan, itinigil nila ito at sinimulan nilang i-record ang mga pag-uusap namin,” pahayag ni Vice President Sara Duterte

Bukod kay VP Sara, kabilang din sa listahan ng ICC sina Senator Ronald Bato dela Rosa at iba pang matataas na opisyal ng pulisya.

Hindi lang ako, malayo pa ang pangalan ko doon. Ang nauna sa mga pangalan doon ay si Senator Bato dela Rosa, dating Chief Albayalde, at dating Police General na si Danao at Police General Caraman. Naroon din ang pangalan ni Bong Go. Mauna muna sila, bago ako,” dagdag ng Bise Presidente.

Iginiit pa ni VP Sara na politika ang ugat ng mga hakbang ng ICC laban kay dating Pangulong Duterte at sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Aniya, malinaw na walang ibang dahilan ang ginagawang pag-usig sa kanilang grupo kundi ang politika, lalo na kaugnay ng nalalapit na midterm elections at ng 2028 national elections.

“Oh yes. Clearly, walang ibang motibo kundi politika, dahil sa midterm elections at sa 2028 elections. Wala namang ibang dahilan para kidnapin o dakpin ang dating Pangulong Duterte sa ating bansa at dalhin sa ibang bansa para ipakulong ng mga dayuhan kundi politika lamang,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble