VP Sara, pinasalamatan ang lahat ng bumubuo ng OVP sa ika-88 taong anibersaryo ngayong araw

VP Sara, pinasalamatan ang lahat ng bumubuo ng OVP sa ika-88 taong anibersaryo ngayong araw

IPINAGDIRIWANG ngayong araw ng Office of the Vice President (OVP) ang ika-88 anibersaryo ng pagkatatag nito kung saan pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng bumubuo ng OVP.

Kabilang sa pinasalamatan ni VP Duterte ang lahat ng mga dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

“Sila ang nagsimula, nagtayo, at nagpatibay sa Office of the Vice President. Dahil sa kanilang sipag, talino, at matatag na pamumuno, naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at ng buhay ng mga Pilipino ang OVP,” mensahe ni Vice President Sara Duterte.

Muli ay ipinagtibay ni VP Duterte ang serbisyo ng OVP para sa bansa.

“Sa ating pagpapatupad ng mga programa at proyekto at pagbibigay ng serbisyo sa mga tao, makakaasa kayo na gabay namin palagi ang misyon ng OVP: “To reach, serve, and create lasting impact on the lives of the Filipino people,” aniya.

Hangad ng Bise Presidente at ng buong OVP ang ikauunlad ng bansa at pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino.

“Ang bawat hakbang na aming tatahakin ay patungo sa ikauunlad ng ating bansa at pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino,” dagdag ni VP Duterte.

Pinasalamatan din nito ang suporta at pananatili ng mga kasamahan sa tabi ng OVP.

Sa kabila aniya ng mga hamon, tinitiyak ni VP Sara na makakamtan nila ang tagumpay para sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter