PINURI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pagpapatuloy ng legal advice program nito sa iba’t ibang social media platforms.
Ayon kay VP Sara, ipinakita ng PAO ang kahusayan sa pagbabago ng serbisyo publiko sa paggamit ng social media channels para palawakin ang abot ng Public Attorney’s Office.
Aniya, sana maraming kabataang Pilipinong abogado ang sumunod sa yapak ni PAO chief Persida Rueda-Acosta upang ipagtanggol ang demokrasya at karapatang pantao.
Samantala, sinabi ng PAO na di nila sisirain ang tiwala ng kanilang mga kliyente na karamihan ay mahihirap at kapus-palad na mga Pilipino.