VP Sara sa nangyayari sa OVP: These are all directed to remove from the race and remove me from office

VP Sara sa nangyayari sa OVP: These are all directed to remove from the race and remove me from office

GUSTO niyo ba ng isang Vice President Martin Romualdez? Iyan ang tanong ni Vice President Sara Duterte sa taumbayan kaugnay sa plano ng House Speaker.

Sinabi rin ni VP Sara na hindi niya inaasahan na dahil sa ambisyon ni Romualdez na maging pangulo rin ng Pilipinas ay gagamitin nito ang buong gobyerno para manira ng isang tao.

“All these circumstances and events happening surrounding the Office of the Vice President is a race to the presidential elections in 2028,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Iyan ang ipinunto ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga nangyayari sa Office of the Vice President (OVP) kamakailan.

Nauna na ring sinabi ni VP Sara na ang mga ginagawa laban sa kaniyang tanggapan ay isang klase ng political attack.

Mula aniya sa pakikipagkita ng mga makakaliwang kongresista kay House Speaker Martin Romualdez hanggang sa pag-atake sa kaniya kaugnay sa confidential funds at budget ng OVP, iisa lang aniya ang direksiyon ng mga ito.

“That is what they are trying to do. They are turning public opinion. That is a common strategy in politics, black propaganda and everything.”

“These are all directed to remove me from the race and of course remove me from office,” giit ni VP Sara Duterte.

Ngunit nais man aniya siyang tanggalin ng mga kalabang politiko sa 2028 presidential elections, nilinaw ni VP Sara na wala pa siyang plano kaugnay rito.

Romualdez, ginamit ang buong gobyerno para manira ng tao para sa kaniyang ambisyon na maging pangulo—VP Sara

Pero kung mayroon man nag-aambisyon na maging pangulo, iyan aniya ay si House Speaker Martin Romualdez.

“You know paano ko nalaman na gusto o plano ni Martin Romualdez na maging mag-president? Haay nako. Talaga. Sabihin ko sa iyo and this is personal knowledge. Kasi narinig ko talaga. I was there. Kaya alam ko. Alam ko na sa simula pa lang. Narinig ko ‘yun – “Ahh okay,” dagdag pa ng bise presidente.

Sabi ng bise na wala lang naman sa kaniya ang sinabi ni Romualdez dahil lahat naman aniya ay may karapatang tumakbo para sa pagkapangulo.

Pero ang hindi niya inaasahan ay itong ginagawa ng nasabing kongresista laban sa kaniya.

“Ang hindi ko lang inexpect ay gagamitin mo ang buong gobyerno para sirain ‘yung isang tao,” aniya.

Ibinunyag din ni VP Sara na nais din ni Romualdez na maging vice president ng bansa.

Pero may paalala ang pangalawang pangulo sa taumbayan.

“Kailangan magdesisyon ng taumbayan. Gusto niyo ba ng Vice President Martin Romualdez kasi iyan naman talaga kasi ‘yung plano niya. Kailangan mag-decide ng taumbayan if you want somebody sitting there na hindi niyo binoto,” aniya pa.

Sa huli, sinabi ni VP Sara na naniniwala siya na anuman ang mangyari sa kaniya sa hinaharap ay bahagi lamang ng plano ng Diyos para sa kaniyang buhay.

Aniya, panatag at payapa ang kaniyang kalooban sa mga posibleng mangyari sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter